Business Permit Application at Renewal sa Lungsod ng Imus sa Ilalim ng ‘New Normal’

Business Permit Application at Renewal sa Lungsod ng Imus sa Ilalim ng ‘New Normal’

Sa pangunguna ng City Treasurer’s Office (CTO) at Business Permits and Licensing Office (BPLO) patuloy ang paghahatid ng serbisyo ng Pamahalaang Lungsod para sa mga nagnenegosyo at namumuhunan sa Imus ngayong new normal.

Nagsimula ang pagproseso ng Business Permit sa itinayong Business One-Stop Shop (BOSS) sa Imus Sports Complex upang masiguro ang maayos at mabilis na transaksyon habang ipinapatupad ang physical distancing policy at ibang health protocol para sa kaligtasan ng publiko.

Upang mas mapabilis ang transaction time at malimita ang bilang ng mga mamamayan sa loob ng BOSS, nagsimula na ring tumanggap ang BPLO ng aplikasyon para sa online assessment.

Dito, maaaring magpasa ng mga dokumento sa email ng BPLO at sa loob lamang ng 24 oras ay makakatanggap ng kompirmasyon. Matapos ang online assessment, maaaring dalhin ang kompletong dokumento sa BOSS at magbayad ng kaukulang halaga base sa klasipikasyon ng establisyimento.

Ayon kay City Treasurer Reynold Dela Fuente, noong ika-14 ng Enero, nasa 6,573 ang naitalang bilang ng mga nagproseso ng kanilang business permit o 60% ng kabuuang bilang ng mga nagnenegosyo sa lungsod.

Bilang tulong sa mga nagnenegosyo at namumuhunan sa lungsod, extended ang deadline ng pagbabayad ng business taxes na walang penalty hanggang Marso 1, 2021 sa Imus Sports Complex.

Bumisita naman si ARTA Director General Atty. Jeremiah B. Belgica sa Imus noong Enero 25 para sa Anti-Red Tape Authority (ARTA) Inspection kung saan kabilang sa mga binisita ang BOSS at mga transaksyon nito. Kasama rito sina City Mayor Emmanuel L. Maliksi, City Vice Mayor Ony Cantimbuhan at ilang kawani ng Pamahalaang Lungsod.

Ngayong new normal, mahalaga na masiguro ang kaligtasan ng mga mamamayan habang epektibong naghahatid ng mga pangunahing serbisyo.

265total visits,4visits today

Add Comment