Deprecated: Function create_function() is deprecated in /var/www/imus/wp-content/plugins/essential-grid/essential-grid.php on line 97

Deprecated: Function create_function() is deprecated in /var/www/imus/wp-content/plugins/facebook-likebox/facebook-likebox.php on line 1037
Chikiting Ligtas sa Imus: Libreng bakuna kontra Rubella, Polio at Tigdas – City of Imus, Cavite

Chikiting Ligtas sa Imus: Libreng bakuna kontra Rubella, Polio at Tigdas

Chikiting Ligtas sa Imus: Libreng bakuna kontra Rubella, Polio at Tigdas

Nakiisa ang Pamahalaang Lungsod ng Imus sa isang buwang programa na ‘Chikiting Ligtas’ o paghahatid ng Measles, Rubella, Oral Polio Vaccine Supplemental Immunization Activity (MR-OPV SIA) ng Department of Health (DOH) sa pangunguna ng City Health Office noong unang araw ng Pebrero sa City Health Building, Tahimik Street.

Ang malawakang programa ay mula sa DOH, World Health Organization (WHO) at United Nations International Children’s Emergency Fund (UNICEF) upang palakasin ang resistensya ng mga batang limang taong gulang pababa laban sa mga iba’t ibang sakit.

Katuwang naman sa pangalawang yugto ng libreng bakuna sa lungsod ang Barangay Health Workers (BHW), Rotary Club of Imus, Philippine Red Cross at Inner Wheel Club of Mutya ng Imus sa pangunguna ni Charter President at Red Cross – Cavite Chapter Board of Director Jelyn Laosantos-Maliksi sa mga itinalagang 75 fixed sites o health centers sa lungsod para sa buong buwan ng Pebrero.

Sa pahayag ni Punong Lungsod Emmanuel L. Maliksi, bilang wala pang lunas ang polio, ang tanging panlaban dito ay ang bakuna upang maiwasan ang nasabing sakit.

Ayon kay City Health Officer Dr. Randy Calingasan, nasa pangalawang yugto na ng bakuna ang lungsod sa Measles-Rubella (MR) na layon mabakunahan ang 9-59 buwan gulang na mga bata at nasa pangatlong yugto naman sa Oral Polio Vaccination (OPV) para sa pagbabakuna ng 0-59 buwan gulang. Nasa 95% naman ang target na bilang ng mga kabataan na dapat mabakunahan sa Imus.

Higit na sinisigurado rin na ang mga nasabing bakuna ay ligtas kung kaya patuloy na hinikayat ang mga magulang na mapabakunahan ang kanilang mga anak upang magbigayan ng proteksyon laban sa tigdas at polio.

36total visits,2visits today

Add Comment