#MaliksingPasko para sa mga Imuseño

#MaliksingPasko para sa mga Imuseño

Ngayong Kapaskuhan, iba’t ibang mga programa ang inihanda ni Punong Lungsod Emmanuel L. Maliksi para s amga mamamayang Imuseño.

Kabilang an rito ang masayang kwentuhan at paghahatid ng mga papremyo ni Mayor Maliksi at kanyang pamilya sa isinagawang Online Kwentuhan noong ika-18 ng Disyembre sa MAYOR Emmanuel MALIKSI Facebook Page.

Bukod sa kwentuhan na tiyak na kapupulutan ng aral, naghatid din ng ilang papremyo si Mrs. Jelyn Laosantos-Maliksi, maybahay ni Mayor Maliksi, sa #MaliksingPasko online raffle. Kabilang dito ang 10 bluetooth speakers, limang (5) dual-sim phones at isang (1) tablet.

Matapos ang #MaliksingPasko online raffle, 100 din ang nabigyan ng Christmas Packs mula kay Mayor Maliksi at sa kanyang maybahay sa ImuShare ang Saya Online Kwentuhan Edition.

Dito, nanalo ang unang 100 na nakapag-Share ng Facebook Live Video ng Online Kwentuhan noong Disyembre 18 at nakapagtapos sa itinakdang mechanics.

Bukod dito, 1,000 Christmas Packs din ang ipinamahagi ni Mayor Maliksi sa mga nanalo sa ImuShare ang Saya at 500 naman sa ImuShare ang Saya-saya para sa mga nag-Share ng kanilang paboritong Emmanuel L. Maliksi Live videos.

Tunay na maliksi ang pasko sa mga inihandang sorpresa ni Mayor Maliksi para sa mga Imuseño. Aniya, ito ay bahagi lamang ng paghahatid ng saya sa mga mamamayan ngayong nahaharap sa matinding krisis pangkalusugan ang bansa.

Patuloy din ang paalala ng alkalde sa tunay na sentro ng Pasko, ang paggunita sa kapanganakan ni Hesukristo.

347total visits,2visits today

Add Comment