OctoberPETStival: Sa Imus, Bida ang mga Alagang Hayop

OctoberPETStival: Sa Imus, Bida ang mga Alagang Hayop

Isa sa mga pinakainaabangan tuwing buwan ng Oktubre ang OctoberPETStival para sa mga alagang hayop sa pangunguna ng City Veterinary Services Office katuwang ang ilang partner institutions.

Hindi naging hadlang ang kinakaharap na krisis sa masayang selebrasyon nito kung saan inilunsad ang mga programa at aktibidad sa pamamagitan ng online platform.

Una na rito ang Mr. and Miss Furthogenic, kung saan nagbahagi ang mga pet owners ng magagandang larawan ng kanilang mga alagang hayop. Dito, itinanghal ang alagang si Shiba at Shangcai bilang mga nanalo, at tatlo (3) naman ang ginawaran ng consolation prizes sa nasabing patimpalak.

Ipinamalas naman ang pagiging malikhain ng mga pet owner sa isinagawang Pets in DIY Costume Contest kung saan itinanghal na nagwagi si Jenilyn Unidad bilang first place, Petra san Pedro bilang second place at Blanche Mapile bilang third place. Namahagi rin ang City Veterinary Services Office at mga partner nito ng consolation prizes para sa tatlo (3) pang mga kalahok.

Bukod sa pagiging malikhain ng mga pet owners, nagpakitang gilas naman ang mga alagang hayop sa Alaga Ko, Talentado. Kabilang sa mga nagwaging pet owners sina Fernando Bote Jr. para sa first place, Maureen Rena Cruz para sa second place at Darcy Teves naman sa third place.

Ibinahagi naman ng mga pet owner ang kwento ng kanilang mga alagang hayop ngayong nasa community quarantine sa Share Your Petstorya. Kinilala naman bilang first place si Denise Gernale, Charles Ann Vidad bilang second place at CJ Meneses bilang third place.

Bukod sa mga programang inilunsad online, nagbahagi rin ang City Veterinary Services Office ng libreng serbisyo para sa mga alagang hayop tulad ng rabies vaccination, pet registration, pet microchip, spay at neuter.

26435total visits,3visits today

Add Comment