Deprecated: Function create_function() is deprecated in /var/www/imus/wp-content/plugins/essential-grid/essential-grid.php on line 97

Deprecated: Function create_function() is deprecated in /var/www/imus/wp-content/plugins/facebook-likebox/facebook-likebox.php on line 1037
Sa Imus, Bida si Lolo at Lola! – City of Imus, Cavite

Sa Imus, Bida si Lolo at Lola!

Sa Imus, Bida si Lolo at Lola!

Sa selebrasyon ng OctOVERLOAD: Okturbeng Overloaded sa Saya’t Serbisyo ng Lungsod ng Imus, bahagi nito ang Senior Citizens Week sa temang “Healthy and Productive Aging Starts with ME,” na nagsimula noong Oktubre 5 hanggang Oktubre 9, 2020 sa pamamagitan ng mga makabagong programa na inilunsad para sa mga senior citizen sa lungsod.

Senior Citizen Cash Card

Ang Pamahalaang Lungsod ng Imus sa pangunguna ng Office of the Senior Citizens Affairs at Imus Senior Citizens Association, Inc. katuwang ang UnionBank ay magsisimula ng palitan ang senior citizen membership card ng isang EON Visa Card ngayong taon.

Sa cash card na ito nakapaloob ang senior citizen subsidy, na isa sa mga natatanging benipisyo ng mga senior citizen sa Imus. Nangangahulugan na hindi na kailangang pumila upang tanggapin ang subsidy sapagkat ito ay automated o cashless transaction na sa 2021.

Bukod dito, maaring gamiting pambayad ang laman ng EON visa card sa mga drug stores, supermarket at iba pang retail stores. Pwede rin itong gamitin sa mga online and mobile application purchases.

Maaari ring ma-withdraw ang Senior Citizen Subsidy sa alin mang Bancnet at Visa ATMs.

Sa EON Visa Card, maaaring tumanggap at magpadala ng pera sa iba’t ibang branch ng Pera Hub at UnionBank.

Ligtas, protektado at mas madaling transaksyon para sa ating mga senior citizen ngayong new normal.

Kakanindahan

Isa sa mga isinusulong ng Pamahalaang Lungsod ng Imus sa pangunguna ni Punong Lungsod Emmanuel L. Maliksi ang kabuhayan ng mga senior citizen.

Bukod sa magandang pagkakalibangan habang nananatili sa kani-kanilang tahanan, nakakakuha rin ang mga senior citizen ng pagkakakitaan sa inilunsad na programang “Kakanindahan” sa pakikipagtulungan ng Young Entrepreneurs Service (YES) Cooperative.

Sa programang ito, nakakapagbenta ang mga senior citizen ng kanilang gawang kakanin sa pamamagitan ng online platform.

Magandang hakbang din ito upang paunlarin ang industriya ng local food product na ginawa sa pamamagitan ng tradisyunal na pamamaraaan.

Nutri-Tea Health Drinks

Patuloy ang pagsulong ng Pamahalaang Lungsod ng Imus ng mga programa para sa maayos na kalusugan at malusog na pangangatawan ng mga senior citizen lalong higit ngayong may pandemya.

Sa inilunsad nitong Nutri-Tea 8-in-1 Health Drinks, masisiguro ang pagpapanatili ng maayos na nutrisyon ng mga senior citizen sa tulong ng mga natural nitong sangkap tulad ng calamansi, moringa, mangosteen, beetroot, dragon fruit, broccoli, turmeric at brown sugar.

Ang programang ito ay nasasailalim sa Wellness Program ng Imus Senior Citizens Association, Inc. (IMUSCAI).

Online Kamustahan

Buhat sa mga limitasyon na itinakda ngayong ang bansa ay nasasailalim sa community quarantine, magkakaroon pa rin ng pagkakataon ang mga senior citizen na makipagkamustahan sa isa’t isa sa pamamagitan ng programang Online Kamustahan.

Dito, mamamahagi ang Pamahalaang Lungsod ng tablet sa mga senior citizen upang kanilang magamit sa pakikipag-ugnayan. Patuloy din ang komunikasyon ng pamahalaan sa mga senior citizen sa tulong ng ipapamahaging electronic device.

715total visits,5visits today

Add Comment