Bayanihan para sa mga Imuseñong Nasalanta ng Bagyong Ulysses

Bayanihan para sa mga Imuseñong Nasalanta ng Bagyong Ulysses

Naghatid ng tulong at pag-asa ang Pamahalaang Lungsod ng Imus sa mga inilikas na mamamayan buhat sa malaking pinsala na naidulot ng Bagyong Ulysses sa ilang barangay sa Imus.

Sa ulat ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), ang Bagyong Ulysses (International name: “Vamco”) ay nakasentro sa Luzon, at kabilang ang CALABARZON at Metro Manila sa mga lubos na tatamaan nito.

Nagdulot ito ng malawakang pagbaha sa ilang mga mabababang lugar sa gitnang bahagi ng Luzon, kabilang ang pagkasira ng ilang kabahayan at istruktura.

Kasama ni Punong Lungsod Emmanuel L. Maliksi na namahagi ng tulong at bumisita sa mga sumusunod na evacuation center sina Vice Mayor Ony Camtimbuhan, Kon. Mon Arguelles, City Health Office, City Engineering Office, Imus PNP, City Social Welfare and Development Office at ilan pang kawani:

  • Imus Pilot Elementary School
  • Tinabunan Elementary School
  • Bucandala 4
  • Malagasang 2-C
  • Malagasang 2 Elementary School
  • Palico 1
  • Tanzang Luma 1
  • Bayan Luma 4
  • Anabu 1 Elementary School
  • Pasong Santol Annex (Golden City)

 

Bukod sa mga pangunahing pangangailangan katulad ng pagkain, inumin at gamot, naghatid din ang Pamahalaang Lungsod ng Health Kits para sa kaligtasan ng lahat habang nananatili ang banta ng Covid-19.

Maagap ding naghatid ang Pamahalaang Lunsgod sa pangunguna ng City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO) ng mga mahahalagang impormasyon para sa kahandaan ng mga mamamayan. Agad ding nailikas ang mga pamilya na nasa mababang mga lugar bago pa man manalasa ang bagyo.

Patuloy din ang monitoring sa mga ilog sa lungsod maging sa mga prone-to-risk area. Kabilang din sa mga ibinabang impormasyon ang mga hindi madaraanang kalsada buhat sa pagbaha at ilang pinsala na dulot ng bagyong Ulysses.

Malaking bahagi rin ang operasyon ng City Engineering Department at City Environment and Natural Resources Office (CENRO) at City Engineering Office upang maisaayos ang mga natumbang puno at nasirang imprastraktura na dulot ng malakas na hangin at tulooy-tuloy na pag

Add Comment