#BidaAngMayBakuna: 17,121 Imuseño protektado sa ikatlong Bayanihan Bakunahan

#BidaAngMayBakuna: 17,121 Imuseño protektado sa ikatlong Bayanihan Bakunahan

Napahanga rin ng Bida ang May Bakuna Campaign ang World Health Organization (WHO).

Sa ikatlong Bayanihan Bakunahan o National Vaccination Days noong ika-10 hanggang ika-18 ng Pebrero, nakibuklod ang 17,121 Imuseño na tumanggap ng kanilang una, pangalawa, at booster dose sa vaccination sites sa lungsod.

Bahagi ito ng layunin Department of Health (DOH) upang mahikayat pa ang publiko na kumpletuhin ang dose ng kanilang bakuna. Sa datos, 3,555 unang dose ng bakuna ang ibinigay, 4,028 sa pangalawang dose, habang ang booster shot naman ay tinaggap ng 9,538 indibidwal.

Matatandaang sa pinakaunang National Vaccination Days, naging malaking Bahagi ng paghihikayat sa pagpapabakuna handog ng Pamahalaang Lungsod, sa pangunguna ni Mayor Emmanuel Maliksi, na “Imus Bakuna Raffle.” Sa pamamagitan nito, maaaring manalo ang mga maswerteng mamamayang Imuseño ng hanggang 30,000 piso.

Pasado rin sa World Health Organization (WHO) ang kampanya ng bakuna kontra COVID-19. Ito ay matapos bisitahin ni Dr. Sukadeo Neupane ang vaccination site sa Imus Sports Complex ni Dr. Ferdinand Mina, at ang mobile vaccination sa Barangay Anabu II-F ni Dr. Noralyn del Mundo at  sa BJMP-Imus sa pangunguna ni Dr. Gelyn Golamco noong ika-18 ng Pebrero.

Maaari ring tumanggap ng bakuna sa kanilang mga sasakyan ang senior citizens at persons with disability (PWDs) sa pag-iikot ng mobile vaccination sa mga barangay. Bukod pa rito, nagtungo rin ito noong ika-1 ng Pebrero sa Cavite Police Provincial Office kasama si Mayor Maliksi upang mas mailapit sa kapulisan ng buong lalawigan ang COVID19—19 vaccine.

Patuloy ang pagbubuklod-buklod ng #BidaAngMayBakuna team sa paghahatid proteksyon sa bawat mamamayang Pilipino. Kabilang dito ang limang fixed vaccination sites sa Imus Sports Complex, Ospital ng Imus, Maharlika Elementary School, Robinsons Place Imus Cinemas, at Community Doctors Clinic; drive-thru vaccination sa Robinsons Place Imus; ang mobile vaccination na regular na nag-iikot sa bawat barangay ng Lungsod; at ang house-to-house vaccination para sa mga bedridden na senior citizens at PWDs.

Add Comment