Blessing at Turnover Ceremony ng ilang Gawad Kalinga Housing Units, Isinagawa

LUNGSOD ng Imus – Isinagawa ang blessing at turnover ceremony ng 10 kabahayan sa Gawad Kalinga Alapan Site, Barangay Alapan 2-B noong ika-18 ng Marso bilang bahagi ng Housing Project ng Pamahalaang Lungsod ng Imus.

Ito ay pinangunahan nina Mayor Emmanuel L. Maliksi, Vice Mayor Ony M. Cantimbuhan, Gawad Kalinga Provincial President Mr. Edgar Purificacion, Local Housing Board Focal Person Mr. Valerio Baguio at Gawad Kalinga Project Coordinator Punong Barangay Jerry Vilbar.

Ang programang ito ay nasasailalim sa Legacy Projects ni Punong Lungsod Emmanuel L. Maliksi na naglalayong makapaghandog ng maayos at ligtas na tahanan sa mga higit na nangangailangan at mga pamilya na naninirahan sa prone to risk areas.

Aniya ni Mayor Maliksi, “Bukod sa bagong tahanan, makakapaghatid din tayo ng bagong pag-asa para sa ating mga kababayang matutulungan ng programang ito.”

Kabilang din sa mga isinaayos ng Pamahalaang Lungsod ang kalsada sa nasabing komunidad at pagbababa ng ilang programa na tututok sa kabuhayan ng mga naninirahan at maayos na  nutrisyon ng mga kabataan.