Business One-Stop Shop 2022: Mas Pinabilis na Pagproseso ng Business Permit Application at Renewal

Sa pagsisimula ng taon, isinaayos ng Pamahalaang Lungsod ng Imus sa pangunguna ng City Treasurer’s Office (CTO), Business Permit and Licensing Office (BPLO) at City Administrative Office ang pagbubukas ng Business One-Stop Shop (BOSS) noong ika-2 ng Enero sa Maliksing Kabataan Building para sa maayos, ligtas at mabilis na pagproseso ng business permit ng mga negosyante at namumuhunan sa lungsod.

Dito, higit na pinaigting ng Pamahalaang Lungsod ang kaligtasan ng mga negosyante sa Imus. Bukod sa online assessment para sa renewal ng business permit, hinihikayat din nito ang mga negosyante na magkaroon ng appointment schedule upang maprayoridad ang transaksyon at maiwasan ang mahabang pamamalagi sa site.

Bukas ang tanggapan tuwing Lunes hanggang Biyernes mula ika-8 ng umaga hanggang ika-7 ng gabi, habang tumatanggap din ito ng mga aplikante tuwing Sabado at Linggo sa ganap na ika-9 ng umaga hanggang ika-4 ng hapon. Extended din ang BOSS hanggang ika-21 ng Pebrero.

Business One-Stop Shop Appointment Schedule

Upang makapag-schedule ng appointment sa BOSS, sagutan ang online Business One-Stop Shop Appointment Schedule form. I-print o i-screenshot ang matatanggap na e-mail at ipakita sa entrance ng BOSS.

New Business Permit Process

Ihanda ang mga kinakailangang dokumento gaya ng Accomplished Business Permit Unified Application Form na matatagpuan sa website ng Imus; SEC/DTI/CDA Certificate of Registration; Contract of Lease o Transfer Certificate of Title; litrato o drawing ng establisimiento, 2022 Barangay Clearance for Business o endorsement, Certificate of Occupancy, Building Permit and Electrical Inspection Certificate, at Locational/Zoning Clearance. Maaaring makita ang kumpletong business permit requirements sa website ng Imus sa ilalim ng Downloadable Forms.

Ipasa ang mga dokumento sa Step 1: Assessment – New ng BOSS upang ma-assess ng assessor ang mga ito; magtungo sa Step 2: Payment – New upang bayaran ang fees at taxes; makukuha naman ang 2022 Business Tax Order of Payment na kasama na ang Official Receipt, Cedula o Community Tax Certificate, Business Plate, Mayor’s Permit, at Sanitary Permit sa Step 3: Releasing Area – New.

Business Permit Renewal Process  

Para sa renewal ng business permit, inabisuhan ang publiko na magpasa ng online assessment bago gumawa ng Business One-Stop Shop Appointment. Dalhin ang photocopy ng mga dokumento kasama ang orihinal na kopya. Magtungo sa Step 2: Payment- Renewal upang magbayad at matatanggap din sa araw ng pagpunta ang 2022 Business Tax Order of Payment kasama ang Official Receipt, Cedula o Community Tax Certificate, Business Plate, Mayor’s Permit, at Sanitary Permit.  

Para naman sa walk-in applicants, ipasa ang mga kinakailangang dokumento sa Step 1: Assessment – Renewal para maisagawa ang assessment, magbayad sa Step 2: Payment – Renewal, at kuhanin sa Step 3: Releasing Area – Renewal ang 2022 Business Tax Order of Payment na kasama na ang Official Receipt, Cedula o Community Tax Certificate, Business Plate, Mayor’s Permit, at Sanitary Permit.

Para sa kaligtasan ng lahat, tanging ang mga bakunado at mga sumusunod lamang sa mga itinakdang safety protocol ang papahintulutan sa BOSS site.

Add Comment