Elevated Parking sa Imus Public Market, Bukas na sa Publiko!

Binuksan na sa publiko ang elevated parking ng Imus Public Market matapos itong pasinayaan ni Mayor Emmanuel Maliksi noong ika-6 ng Enero.

Pinangunahan ng Economic Enterprise Management Office (EEMO) at New Imus Public Market Merchants Association Inc. (NIPMMAI), katuwang ang City Engineering Office at City Architecture Office, ang pagsasakatuparan ng proyektong ito.

Ang karagdagang 91 parking spaces ay bahagi ng solusyon ng Pamahalaang Lungsod ng Imus upang maibsan ang pagsikip ng trapiko sa pamilihang bayan. Ang una at ikalawang palapag ng naturang gusali ay nakalaan para sa mga tindahan, habang nasa pangatlo at pang-apat naman ang parking spaces.

Maaari itong gamitin ng mga bakunadong mamimili nang walang bayad sa unang dalawang buwan ng pagbubukas nito. Kasabay din nito ang pagpapatupad ng No Covid-19 Vaccine, No Face Mask, No Entry Policy ng Imus Public Market noong ika-9 ng Enero.

Kabilang din sina Acting Market Administrator Nestor Del Rosario Camantigue at Irma Corpuz, presidente ng NIPMMAI sa pagpapasinaya ng elevated parking. Dinaluhan din ito ni nina Rev. Fr. Rommel Lagata para sa ceremonial blessing, Market CSU Head Alex Cuenca, Market Admin Staff Head Armira Reyes, Market Maintenance Head Renato Malicsi, NIPMMAI Officers, IPM Maintenance at Utility, at Market Employees ng Civil Service Unit.

Upang masiguro ang tibay at kalidad nito, dumaan sa masusing test run at routing evaluation ang nasabing parking area noong ika-7 ng Setyembre 2021.

Buhat naman ng tumataas na kaso ng Covid-19 at sa banta ng Omicron variant, binisita ng Covid-19 Vaccination Team ang Imus Public Market noong ika-11 hanggang ika-13 ng Enero. Layunin ng program ana mas mailapit ang bakuna sa mga nagtitinda at empleyado ng pamilihang bayan.

Bahagi lamang ang mga ito sa mga proyekto ng Pamahalaang Lungsod para sa higit na maayos at ligtas na pamimili at pagtitinda ng mga mamamayan sa Imus Public Market.

Add Comment