#LabYourLungs: Libreng Chest X-Ray sa TB DOTS Center ng Imus

#LabYourLungs: Libreng Chest X-Ray sa TB DOTS Center ng Imus

Ang tuberculosis ay isa sa mga nangungunang karamdaman na tinututukan sa buong Pilipinas, lalo pa ngayong kinakaharap ng bansa ang pandemya ng COVID-19.

Sa pagtutulungan ng City Health Office (CHO) at ng Philippine Business for Social Progress (PBSB), naihatid sa 170 na Imuseño ang #LabYourLungs Free Chest X-ray Service sa Velarde Health Center, Brgy. Medicion 1-C, noong ika-15 at ika-18 ng Pebrero. Layunin ng #LabYourLungs ang early detection o maagap na pagtuklas ng mga indibidwal na mayroong tuberculosis (TB).

Ang TB ay nananatili pa ring isa sa mga pinakadelikadong sakit sa Pilipinas. Kabilang din ito sa mga komplikasyong maaaring maranasan ng mga nagpopositibo sa COVID-19. Sa tala ng Department of Health (DOH), mahigit 500 katao ang tinatamaan ng TB sa bawat 100,000. Ang Pilipinas ang nananatiling may pinakamataas na kaso ng TB sa Asya habang pang-apat ito sa buong mundo.

Sa patuloy na pagharap ng bansa sa pandemya, lubusang nabawasan ang bilang ng mamamayang nagpapakonsulta at nagpapagamot para rito.

Kaya naman, patuloy na nakikibuklod ang Pamahalaang Lungsod ng Imus sa DOH sa pagsulong ng mga serbisyong maaaring matanggap ng mga Imuseño kontra TB, mula sa maagap na pagsusuri o testing at hanggang sa pagpapagaling.

Add Comment