Maliksi, Moderno, at Makabagong Serbisyo: New Government Center ng Lungsod ng Imus, Pinasinayaan

Maliksi, Moderno, at Makabagong Serbisyo: New Government Center ng Lungsod ng Imus, Pinasinayaan

Bagong mukha ng Imus, bagong tahanan ng bawat pamilyang Imuseño

Pinasinayaan ang bagong Imus City Government Center—kilala rin bilang New Government Center (NGC)—noong ika-25 ng Abril sa pangunguna ni Punong Lungsod Emmanuel Maliksi, kaagapay ang City Tourism and Development Office (CTDO).

Ang pagbubukas ng bagong sentro ng lokal na pamahalaan ang isa sa pinakamalaking legacy projects ng administrasyong Maliksi, na naglalayong mabigyan ng makabago, mas maginhawa, at mas mabilis na serbisyo ang mga Imuseño.

Ayon kay Mayor Maliksi, ito ay kaniyang inaalay sa mga nasasakupan sa pagtatapos ng kaniyang termino bilang ama ng lungsod sa huling 11 taon. 

Dagdag pa niya, ang paglipat ng sentro ng pamahalaang lungsod sa Brgy. Malagasang I-G ay may makasaysayang halaga, sapagkat mas malapit na ito sa lugar kung saan naganap ang isa sa mga pinakamakasaysayang labanan para sa kasarinlan ng mga Pilipino: ang Labanan sa Alapan. Ang kaganapang ito ang pangunahing dahilan upang kilalanin ang lungsod bilang Flag Capital of the Philippines

Ang pagkilalang ito ay nagsilbing inspirasyon naman sa disenyo ng NGC na itinayo sa hugis ng pagwagayway ng Watawat ng Pilipinas.

Bilang panauhing pandangal, nagpahayag ng paghanga si Commissioner Atty. Ryan Alvin Acosta ng Civil Service Commission sa pagiging isang “future-ready building” ng NGC. 

Ipinakilala naman ni Engr. Christian Mervin Sarno ang limang palapag na modern, green, at smart building kung saan sakop nito ang 32,871 m2  floor area sa 53,761 m2 na lupain. Tahanan ito ng 72 tanggapan ng gobyerno, kabilang na ang iba’t ibang pambansang ahensya.  

Mayroon din itong modernong building management system – kung saan mas madaling kontrolin ang ilaw at iba’t ibang alarm; electrical, mechanical, at sanitary systems; fire protection system; centralized air-conditioning system; generator sets; at 521 CCTV cameras

Ito rin ay Building for Ecologically Responsive Design Excellence (BERDE) certified – ang sertipikasyon na ibinibigay ng Philippine Green Building Council sa mga gusaling nakakapasa sa building and environmental standards sa bansa – dahil sa pagkakaroon nito ng sewage treatment plant (STP), material recovery facility, rainwater harvesting tank, at solar power system.

Naging bahagi rin ng programa ang unveiling ng marker ng gusali, ribbon-cutting activity, at ang pagbubukas ng isang exhibit na nagsasalaysay ng progresibong kasaysayan ng Imus.

Imus City New Government Center: Fast Facts!

Modern

  • 5 palapag
  • 72 tanggapan ng gobyerno
  • 32,871 m2  floor area – kumpara sa 4,450 m2  floor area ng dating City Hall
  • 53,761 m2 lot area
  • PWD-Friendly Facilities
  • Interactive Park
  • Central Storage Facility
  • Wellness Center
  • Low E-Glass at Glass Cladding Installed – upang mabawasan ang pagkabilad mula sa ultraviolet at infrared light 

Green

  • Building for Ecologically Responsive Design Excellence (BERDE) Certified 
  • Sewerage Treatment Plant (STP) – naglilinis sa wastewater na nagmumula sa NGC
  • Material Recovery Facility (MRF) – bahagi ng solid-waste management na ipinapatupad ng Pamahalaang Lungsod
  • Rainwater Harvesting Tank – upang makolekta ang tubig ulan para sa karagdagang suplay ng tubig 
  • Solar Power System kung saan ginagamit ang photovoltaic glass na siyang nagsisilbing solar panel

Smart

  • Building Management System – kung saan maaaring makontrol ang ilaw at iba’t ibang alarm
  • Elevator System
  • Electrical System
  • Mechanical System
  • Sanitary System
  • Fire Protection System
  • Centralized Air-Conditioning System
  • Generator Sets
  • 521 CCTV Cameras