Maliksing Pangkabuhayan: 30 Bigasan Package para sa mga Imuseño

Sa pangunguna ni Mayor Emmanuel L. Maliksi, kanyang maybahay Ms. Jelyn Maliksi at  Public Employment Service Office (PESO), 30 Imuseño ang nakatanggap ng bigasan Package sa ilalim ng Maliksing Pangkabuhayan Program ng Pamahalaang Lungsod ng Imus.

Kabilang sa bigasan package ang mga kagamitang makakatulong sa pagsisimula ng isang maliit na negosyo. Ang bawat package ay naglalaman ng siyam (9) na sako ng bigas, isang panimbang, at dalawang bulto ng plastik.

Nagmula sa 24 na barangay ang mga benepisyaryong walang trabaho, panandaliang natanggal sa trabaho, nagtitinda, Overseas Filipino Workers (OFWs), Persons with Disability (PWD), at senior citizens.

Matatandaan na una nang isinagawa ang Maliksing Pangkabuhayan noong ika-25 ng Nobyembre 2019. Dito ibinahagi sa 30 indigent citizens at dating OFWs ang Sari-Sari Store Package upang sila ay matulungan sa pagsisimula ng kanilang sariling sari-sari sore. Bukod pa rito ay ang Handog Pasasalamat ni Mayor Maliksi kung saan ilang Imuseño ang nakatanggap din ng tulong pangkabuhayan.

Ang bawat Imuseño ay may karapatang umunlad anuman ang sitwasyon sa buhay. Kaya naman buong suporta ang Pamahalaang Lungsod  sa pag-unlad ng mga maliliit na negosyo ng mga Imuseño.