Para sa mga Imuseño, #TuloyAngSerbisyo: proclamation rally ni Gng. Jelyn Maliksi para konsehal sinalubong ng mainit na pagtanggap ng supporters

Para sa mga Imuseño, #TuloyAngSerbisyo: proclamation rally ni Gng. Jelyn Maliksi para konsehal sinalubong ng mainit na pagtanggap ng supporters

Perfect 10 na paglilingkod sa mga kabataan, kababaihan, at pamilyang Imuseño!

Boses ng kababaihan. Bantay ng mga anak at kabataan. Tagapangalaga ng mga pamilya. Ito ang isinusulong ni Gng. Jelyn Maliksi sa kaniyang proclamation rally bilang kandidato sa Konseho ng Pamahalaang Lungsod ng Imus noong ika-25 ng Marso sa Imus Grandstand.

Ayon kay Gng. Maliksi, bilang isang babae, asawa, at ina – nais niyang maipagpatuloy ang nasimulang serbisyo ng kasalukuyang Punong Lungsod ng Imus, Mayor Emmanuel Maliksi, sa pamamagitan ng pakikibuklod sa mga adhikaing pangkababaihan, pangkabataan, at pang-pamilya.

Nag-umpisa ang araw ng proclamation rally sa pamamagitan ng banal na misa sa Our Lady of the Pillar Seminary sa Brgy. Buhay na Tubig, at sinundan ng isang motorcade patungo sa Imus Grandstand. Dito nagpakilala ang iba pang mga kasapi ng Team AJAA na hangad paglingkuran ang mga Imuseño sa susunod na tatlong taon. Kasama ni Gng. Jelyn Maliksi na tumatakbo sa konseho sina Punong Barangay Sherwin Lares Comia, Enzo Asistio Ferrer, Kon. Lloyd Jaro, Board Member Dennis Lacson, Atty. Wency Lara, Kon. Larry Nato, Igi Revilla Ocampo, Darwin Remulla, Kon. Totie Ropeta, Kon. Yen Saquilayan, at Mark Villanueva. Bahagi rin sina Vice Mayor Ony Cantimbuhan at Shernan Jaro na tumatakbo bilang Board Members ng Ikatlong Distrito ng Cavite. Kumakandidato naman si Homer Saquilayan sa posisyon na Vice Mayor, habang ang pagiging Mayor naman ang nais gampanan ni Cong. Alex Advincula. Samantala, susuungin ni Kon. Adrian Advincula ang kongreso bilang kinatawan ng Ikatlong Distrito ng Lalawigan ng Cavite.

Tampok din sa proclamation rally ang sikat na bandang Rivermaya na tumugtog para sa mga Imuseñong dumalo rito.

Bago pa man ang paghain ng kandidatura ni Gng. Maliksi, siya’y naghahatid na ng serbisyo publiko bilang Charter President ng Inner Wheel Club of Mutya ng Imus, miyembro ng board of directors ng Philippine Red Cross Cavite Chapter, at dating presidente ng Rotary Club of Imus.

Pinangunahan din niya ang ilan sa mga programa at proyektong pangkababaihan, pangkabataan, at pang-pamilya. Kabilang na rito ang pagkakatatag ng Maliksing Kababaihan, Inc. na nasa likod ng mga matagumpay na women advocacy programs. Itinaguyod din niya ang First Women Credit Cooperative na eksklusibo para sa mga kababaihang Imuseño. Bukod pa rito, pinamunuan din niya ang serye ng mga Zumba activity sa iba’t ibang barangay sa lungsod, ang mga libreng serbisyo ng HPV Awareness and Cervical Screening, pangkabuhayan seminars, at iba pang mga usaping pangkababaihan.  Naging kaagapay din siya ni Senador Risa Hontiveros upang maihatid ang libreng digital diagnostics medical mission sa Imus.

Isa rin sa mga tinututukan ni Gng. Maliksi ang edukasyon ng kabataan. Kasama ang Rotary Club of Imus at RI District 3810, naihatid ang handwashing stations, learning kits, COVID-19 essentials, at tower WiFi sa mga mag-aaral at eskwelahan sa Imus.

Kaniya ring pinangungunahan ang feeding programs at gift-giving kasama ang Maliksing Kababaihan, at ang regular na bloodletting activity ng Philippine Red Cross Cavite Chapter.

Naniniwala si Gng. Jelyn Maliksi na ang susi sa matagumpay, maaksyon, at maliksing paglilingkod ay ang pagbubuklod-buklod ng bawat pamilyang Imuseño.