Serbisyong Maliksi laban sa pandemya: Bagong Imus Isolation Facility, bukas na!

Serbisyong Maliksi laban sa pandemya: Bagong Imus Isolation Facility, bukas na!

Matapos ang halos isang taong pagtanggap ng mga pasyente sa St. Dymphna Isolation Facility, nagbukas sa lungsod ang panibagong Imus Isolation Facility noong ika-8 ng Pebrero sa bago nitong tahanan sa Villa Emmanuel Townhomes, Medicion II-A.

Isa itong pribadong pasilidad na naisakatuparan sa pamamagitan ng Memorandum of Agreement upang patuloy na mapaglingkuran ang mga nagpopositibo sa COVID-19. Bukod sa walang bayad ang pamamalagi rito, libre rin ang pagkain, gamot, at konsultasyon na ibinibigay sa mga pasyente.

Bagama’t bumaba na ang bilang ng mga aktibong kaso sa Imus, handa pa rin ang Isolation Facility na maghatid ng serbisyo sa mga COVID-19 positive tungo sa kanilang mabilisang paggaling. Sa katunayan, 1,168 pasyente na ang naka-recover bunga ng kalinga ng Isolation Team simula nang ito ay magbukas noong Marso 2021.

Maaaring makipag-ugnayan sa Imus Isolation Facility sa pamamagitan ng mga numerong ito: 0966-198-0912 (Globe/TM) o 0969-181-1937 (Smart).

Add Comment